The Journey Begins

Ako si Maxine Margarette S. Sia, dumating sa mundong ito noong ika-18 ng Enero. Ako ay sinilang sa Lipa City tapos umuwi ng Batangas City. Ako ay Inglishera sa paglaki ko, ambivert, tahimik sa una pero magulo pag nakilala mo ako. Isa rin Kong mananayaw, manunulat, babaeng mahilig magbasa ng mga libro bukod sa mga teksbuk ng pang-academic. Mahilig rin Kong magluto, magmake-up ng konti, at kumanta kahit sintunado ako. Madalas akong natambay sa kwarto at sa mga cafes kaysa lumabas ng bahay dahil sa mga dahilan na hindi ko gusto. maxresdefault

Masasabi ko nung bata ako, hindi naging massala ang pagkabata ko dahil dumaan ako sa pagkakaabuso ng babysitter ko, hanggang ngayon ay hindi ko talaga makalimutan ang trauma ko nang dahil sa ginawa niya sa akin na abuso na lumampas sa limit. Dahil diyan ay nagkaroon ako ng depression na dala-dala ko hanggang ngayon. Kahit nandoon ang mga kapatid ko at Mommy ko, sala slang pakialam sa mga nangyayari sa akin noon at sinasabi na puro biro lang ang mga ginagawa sa akin. Napatanong ako sa sarili ko “What kind of joke was that? Was it really THAT fun for you?”

gotdepression-hl

 

Lumipas ang 7 taon halos, kinuha na ako ng Daddy nung naliman ang mga pinaggagawa sa akin sa tahanan ng Mommy ko. Ang Daddy ko na ang nagtulong sa akin na ituloy ko edukasyon ko sa ibang paaralan. Akala ko magbabagong-buhay ako noong panahon na yun, pero hindi pala. Muling bumalik ang depression ko dahil out of 300+ na estudyante, ako ang nag-iisang biktima ng bullying. Lahat na ay kinuha sa akin, pagkain ko, pera at mga gamit ko.

bullied

Pagkatapos ng 6 na taon ng pagtitiis, nakapagtapos na ako ng elementarya at pumasok na ako ng Junior High School. Dito talaga nagbago ang buhay ko ng sobra. Akala ko magiging biktima ulit ako ng bullying pero hindi na, walang masasamang tao sa paaralan ko na pinasukan nung junior high. Unti-unti bumabago ang buhay ko nung G7 hanggang sa kasalukuyang panahon. Nagkaroon ako ng mga kaibigan, konti lang sila pero lahat naman ay tootong kaibigan, walang plastik kamo. Marami ring mga masasayang pangyayari ang nangyari sa akin kaya mas naging masaya ang junior high life ko sa kabila ng mga paghihirap na dinaanan ko.

Finding-and-Being-True-Friends-700x363-1892126.jpg

 

Habang ako’y nagiging masaya sa buhay ko, nagkainteres ako sa K-Pop, K-Drama, milk tea, kape, paglalaro ng computer games at iba pa.

gong-cha-house-special-milk-coffee  cofeeNCT

SVT

WANNA ONE

WFKBJ

 

Sa kasalukuyang buhay ko, masaya na ako. Marami talagang biyaya ang binigay sa akin ng Diyos kahit hindi ko deserve ang mga yun. Kuntento na ako sa kung ano ang meron sa akin ngayon. Kung may problema man kayo sa buhay, wag sumuko, laban lang.

 

Leave a comment